Puspusan na ang mga isinagawang paghahanda ng COMELEC Dagupan, kung saan ngayong araw ang final briefing para sa mga kaguruan na magsisilbing electoral boards dito sa lungsod ng Dagupan sa darating na halalan sa buwan ng Mayo.

Ayon kay Atty. Michael Franks Sarmiento ang siyang Comelec Officer ng Comelec Dagupan ang ang aktibidad na ito ay para sa kahandaan ng bawat miyembro ng electoral boards at gayundin na mabigyang pansin ang mga mahahalagang gampanin gaya na lamang sa pagproseso ng gagamiting automated counting machine o acm sa araw ng eleksyon.

Aniya na nasa mahigit 450 plus ang bilang ng mga electoral boards dito sa lungsod ng Dagupan at sa bawat pagsasanay na kanilang isinagawa at para sa last briefing ay hinati ang mga ito sa tatlong batch upang masiguro na lahat sila ay may sapat na kaalaman at kasanayan.

--Ads--

Hindi rin naman nagging mahirap ang pagsasanay sa mga miyembro ng electoral boards dahil lahat ng mga ito ay mula sa public schools teachers at sila rin ay mayroon ng karanasan sa mga nagdaang halalan. Bukod pa rito ay dumaan din silang lahat sa assessment ng Department of Science and Technology (DOST) bilang bahagi ng mandato kailangang may IT-certified na tao sa bawat electoral board.

Bukod pa rito ay nakatakda na rin sa lunes ang pagdeploy ng mga empty ballot boxes sa bawat voting center sa syudad at inaasahan na rin sa susunod na linggo ang pagdating ng automated counting machine.

At kaugnay nga nito ay magkakaroon naman ng final testing at ceiling sa acm sa darating na May 6 kung saan bukas din ito sa publiko upang masaksihan ang final testing at ceiling ng gagamiting acm at masiguro na maayos ang mga ito. Gayundin aniya na magkakaroon ng mock election.