Mga Kabombo! Mapapa-Sana All ka nalang sa isang lalaki sa Michigan dahil kaniyang natagpuan ang kaniyang ‘bebelabs’ matapos nitong makatakas sa isang quicksand sa isang beach habang wala itong natamong sugat.
Ayon kay Mitchell O’Brien, residente ng Traverse City, na kaniyang kasama si Breanne Sika sa Reynolds Street Beach para maghanap ng Leland blue stones. Si O’Breane at Sika ay matagal nang magkatrabaho sa isang clinic at kamakailan lamang ay napapatanong na sila sa kanilang pagkakaibigan.
Sa kanilang paghahanap ay hindi namalayan ni O’Brien na nakaapak na pala siya sa isang quicksand na may layong 5 feet mula sa dalampasigan.
Ani O’Brien, hindi naiiba ang itsura ng quicksand sa basang buhangin at sa unang pagka-apak, hindi ito kasing lambot na inaakala ng hindi pa nakakaranas.
Gayunpaman, hindi ito ang unang karanasan ni O’Brien sa quicksand dahil nauna na niya itong naranasan sa Great Lakes. Ginamit niya ang kaniyang nalalaman para makatakas subalit, aniya, mas makapit ang pagkakataon ito.
Dali-dali naman tumawag sina O’Brien at si Sika sa 911 upang humingi ng tulong.
Dahil sa nagkasabay sila na tumawag, paliwanag ni O’Brien sa 911 na tumatawag rin sa kanilang tanggapan ang kaniyang ‘girlfriend’. Habang si Sika naman, may layong 20 feet mula kay O’Brien, ay pinaliwanag sa 911 na na-stuck ang kaniyang ‘boyfriend’ sa quicksand.
Ito umano ang unang pagkakataon na binigyan nila ng label ang kanilang relasyon.
Agad naman rumesponde ang mga bumbero upang iligtas si O’Brien.
Matagumpay na naitakas si O’Brien mula sa quicksand. At tila mas naging unforgettable experience ito para sa kanila dahil ito ang nagmarka sa bagong simula para sa relasyon nilang dalawa ni Sika.