DAGUPAN CITY- Kamakailan lamang ay naging matagumpay ang idinaos na ika-apat na anibersaryo ng Pulis Ako Retirado at Kaibigan (PARAK), isang samahan na nagpapatunay sa lakas ng kanilang samahan at dedikasyon sa kanilang adhikain.

Higit sa 20 miyembro ang nagtipon-tipon upang magsaya at makipagkuwentuhan sa kanilang dating mga kasamahan sa himpilan ng pulisya.

Isa sa mga panauhing pandangal ay si Maam. Mariepe P. De Guzman, Regional Public Information Officer ng PDEA Region 1.

--Ads--

Ibinahagi niya ang kanyang mga karanasan at aral na natutunan sa kanyang panunungkulan sa Dagupan City Police Station maging sa pambansang pulisya na nagsilbing pundasyon sa kanyang kasalukuyang tagumpay.

Lubos naman ang naging pasasalamat ni Retired SPO4 Joey Daroy sa mga miyembro at bisita.

Ipinagmamalaki niya ang pagiging matatag ng kanilang grupo, na aniya ay dahil sa pagtutulungan at respeto sa isa’t isa, anuman ang dating ranggo ay magiging maayos ang takbo ng kanilang samahan para sa komunidad.