DAGUPAN CITY- Sa kabila ng pagdagsa ng mga turista sa iba’t ibang tourist spots sa lalawigan ng Pangasinan nitong nakaraang Semana Santa, masasabing naging mapayapa ito ayon sa mga isinagawang assessment.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vincent Chiu, Operations Supervisor ng Pangasinan PDRRMO, tulad ng inaasahan ay dumagsa ang mga turista sa iba’t-ibang tourist destinations.
Aniya, sa kabuuan ay itinuturing na peaceful ang nagdaang ilang araw sa tulong mga ilang mga ahensya bilang katuwang ng kanilang opisina.
Sa kanilang assessment ay mayroong limang naitalang drowning incidents, partikular na sa bayan ng Aguilar, Pozorrubio, Malasiqui, Rosales at Sual.
Pinaalalahan din ng kanilang opisina ang lahat ng mga beachgoers na iwasang magtungo sa mga coastal areas at maligo kung naka-inom uapng maiwasang ang mga insidente.
Samantala, ayon sa kanilang opisina ay nakapagtala na ng 82 na kaso ng jellyfist sting kung saan ang iba rito ay galing sa Binmaley, Lingayen, Alaminos at Dagupan.
Paalala din ng opisina na kapag nakagat dg dikya at huwag itong hawakan, bagkus ay hugasan ito ng maligamgam na tubig at suka upang maalis ang sting.
Kung nagkaroon naman ng allergic reaction ay agad na magtungo sa pinakamalapit na pagamutan.