Pinangunahan ni Cardinal Giovanni Battista Re, Dean of the College of Cardinals ang “Resurrection of the Lord” service sa St, Peter’s Basilica sa Vatican City.

Binasa ni Cardinal Re ang homily ni Pope Francis kung saan sinabi ng santo papa na ang pagdiriwang na ito ay nagpapaalala sa atin na ang liwanag ng pagkabuhay ay nagliliwanag sa ating mga landas at sa ating mga puso.

Sa mensahe pa ni Pope Francis, sinabi nito na ang liwanag ng Muling Pagkabuhay ay nananawagan para sa tugon ng isang mapagpakumbabang pananampalataya.

--Ads--

Si Pope Francis ay wala sa Easter celebrations dahil nagpapagaling pa mula sa severe double pneumonia.

Nilimitahan ng 88-year-old na pontiff ang kanyang pagharap sa publico batay sa payo ng mga doktor at hindi dumalo sa taunang Via Crucis noong Biyernes Santo sa Colosseum ng Roma.

Nauna rito ay inaabangan ng mga Katoliko sa buong mundo si Pope Francis para magbigay ng “Urbi et Orbi” sa Saint Peter’s Square sa pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay sa na pinaka-mahalagang pagdiriwang ng mga Kristiyano.