Dagupan City – Umakyat na sa mahigit 15 ang naging kaso ng jellyfish sting kahapon sa Tondaligan Beach kasabay ng pagselebra ng Sabado de Gloria.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ella Oribello – Team Leader ng Lifeguard sa nasabing lugar, pinakabata rito ay nasa 1-year-old.
Sa kabila nito, nanantili naman alerto ang kanilang opisina katuwang ang CDRRMO’s, PNP at iba pang mga opisina para sa pagtugon sa mga turista/beachgoers.
Samantala, umabot naman sa 80 porsyento o nasa mahigit 5,000 ang naging bisita o beachgoer habang ngayong Pasko ng pagkabuhay naman ay umabot na sa 40 porsiyento.
Ayon naman kay Justin Fernandez, isa sa mga naging biktima ng jellyfish sting kahapon sa araw ng Sabado De Gloria.
Ibinahagi nito na 30 minuto pa lamang siyang naliligo sa dagat hanggang sa may maramdaman na siyang kakaiba sa kanyang kaliwang kamay na parang masakit at dito na nga niya nalaman na nakapitan na pala ito ng dikya.
Agad naman itong umahon sa pampang para makahingi ng tulong sa mga otoridad.