Dagupan City – Namahagi ng libreng serbisyong medikal at inuming tubig ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng bayan ng Sta. Barbara.

Bahagi ito ng patuloy na community assistance ng MDRRMO ngayong Semana Santa sa ilalim ng pamumuno ni MDRRMO Head Raymondo T. Santos at ng buong MDRRMO Team.

Ayon sa opisina, layunin ng aktibidad na matulungan ang mga residente ng nasabing bayan sa gitna ng mataas na temperatura at mga aktibidad na may kaugnayan sa pagdiriwang ng Semana Santa.

--Ads--

Isinagawa ang pamamahagi sa iba’t ibang bahagi ng bayan upang mas maraming mamamayan ang makinabang sa libreng serbisyo.

Kabilang sa mga ibinigay ay medical check-up at libreng mineral water para sa mga dumalo.

Bahagi ito ng regular na programa ng tanggapan na may layuning makapagbigay ng agarang tulong at suporta sa publiko.

Binigyang-diin ng tanggapan na kahit sa mga araw ng banal na pagninilay ay nananatili silang aktibo sa pagbibigay ng serbisyo sa komunidad.

Inaasahang magpapatuloy ang mga ganitong inisyatibo ng MDRRMO Sta. Barbara sa mga susunod na panahon bilang bahagi ng kanilang mandato sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan.