DAGUPAN CITY- Buhay at masigla ang pagdiriwang ng Semana Santa sa bansang Sri Lanka kung saan nagsasagawa ng ilang mga aktibidad ang mga tao roon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Priscilla Rollo Wijesooriya, Bombo International News Correspondent sa Sri Lanka, tulad ng mga Pilipino ay mas isinasagawa ring aktibidad ang mga mamamayan ng Sri Lanka upang gunitain ang Semana Santa.
Aniya, nagpupunta sa mga simbahan ng sama-sama at pananalangin ng taimtim.
Marami din ang porsyento ng Katoliko sa nasabing bansa, kaya’t makikitang buhay na buhay ang tradisyon at paniniwala ukol sa nasabing okasyon.
Samanatala, bukod sa mga nasakasanayang kagawian ng mga Pilipino ay mayroon ding mga ibang karagdagang isinasagawa ang mga mamamayan roon.
Dagdag niya, nagkakaroon din ng mga malakihang selebrasyon sa ilang mga district.