DAGUPAN CITY- Binigyan na ng karampatang imbestigasyon ang inirereklamong bus driver sa La Union kung saan ikinabahala ng mga pasahero nito ang napakabilis na pagpapatakbo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Danny Martinez, ang Director ng Land Transportation Office (LTO) Region 1, hinainan na ito ng show cause order at pagpapaliwanagin ang bawat panig sa isasagawang pagdinig.

Aniya, sa ilalim ng Sec 27 RA 4136, matatanggalan ang naturang drayber ng lisensya.

--Ads--

Maging si Department of Transportation (DoTr) Sec. Vince Sison ay naging mahigpit at pinapasuspinde ang lisensya ng drayber.

Nagbigay din ng kautusan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na suspindehin naman ang prangkisa ng sasakyan.

Nagpaalala naman si Martinez na maging maingat ang mga drayber, mapa-publiko man o pribadong sasakyan, at iwasan ang pagpapatakbo ng napakabilis upang maiwasan ang aksidente.

At kung makakita o makaranas ng parehong sitwasyon ang mga mananakay, handang sagutin ni Martinez anumang oras ang mga magrereklamo sa kaniyang numero na 09175460128.