DAGUPAN CITY- Masigla ang mga mamamayan at ilang mga lahing nakatira sa Estados Unidos na gunitain ang Mahal na Araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Des Baker, Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos, maraming mga mananampalataya ang nagdiriwang ng Semana Santa sa nasabing bansa.
Aniya, may iba-ibang dominasyong pangrelihiyon ang naninirahan sa Eastados Unidos at marami roon ang dinala ang tradisyonal na pagdiriwang ng Mahal na Araw.
--Ads--
Tulad sa Pilipinas, mayroon ding isinasagawang Palm Sunday sa mga religious houses, lalo na sa mga mananampalatayan Katoliko.
Iba-iba lang aniya ng pamamaraan ng paggunita ang bawat dominasyon ngunit iisa lamang aniya ang lundo ng kanilang gawain.