DAGUPAN CITY- Iba ang pamamaraan sa paggunita ng Semana Santa ng mga South Korean locals at ilang mga Pilipinong naroroon, dahil sa pagkakaiba ng mga religious affiliations.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Aluh Abendan, Bombo International Correspondent sa South Korea, tila isang karaniwang linggo lamang para sa karamihan ng mga Koreano ang Semana Santa.

Aniya, 53% ng mga Koreano ay walang relihiyon at mas pinahahalagahan ang ilang mga bagay kaysa pananampalataya.

--Ads--

Gayunman, may mga aktibong religious groups, simbahan, prayer camps, at online gatherings na nagsasagawa ng mga gawain upang ipagdiwang ang nasabing selebrasyon.

Bagamat hindi kasing laki ng selebrasyon sa Pilipinas, patuloy itong ipinagdiriwang ng ilang mananampalataya.

May mga simbahan, chapel, at iba’t ibang religious houses na aktibo lalo na tuwing Semana Santa.

Mayroon ding mga prayer camps na pinamumunuan ng ilang mga Koreano na kabilang sa mga religious groups.