DAGUPAN CITY- May pagkakaiba sa selebrasyon ng Holy Week sa bansang France kumpara sa Pilipinas dahil sa naging evolution ng relihiyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vladelyt Valdez, Bombo International News Correspondent sa France, isa sa mga kilalang tradisyon sa tuwing semana santa ay ang paglalagay ng chocolate eggs sa garden na nakapalibot sa Eiffel Tower.
Kasabay nito ang egg hunting activities na inilalaan para sa mga bata.
Inihahain naman sa tuwing Easter Sunday ang karneng tupa bilang simbolismo ni Hesu Kristo.
May tradisyon din ang mga simbahan na hindi na papatunugin ang kampana sa pagsapit ng maundy Thursday at muli na lamang ibabalik sa araw ng pagkabuhay.
Samantala, hindi naman isinasagawa ang pagpapako ng krus sa France dahil nakikita nila ito bilang hindi makatao.
Nabanggit din ni Valdez na mahaba rin ang bakasyon ng mga bata dahil kumpara sa Pilipinas, 2 linggo ang holiday sa tuwing Holy Week.