May mga paniniwala at tradisyon sa Trinidad and Tobago na gaya rin ng ginagawa ng mga deboto sa Pilipinas sa panahon ng semana santa.

Ayon kay Alan Tulalian, bombo International News Correspondent sa nasabing bansa sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, ang Semana Santa ay isang mahalagang panahon din para sa mga Kristiyano kung saan may tinatawag doon na Friday Walk.

Pero maituturing aniya na kakaiba pa rin ang pag gunita sa Pilipinas dahil dito aniya ay may aktuwal na nagpapapako at sinasaktan ang sarili na bahagi ng pag alala sa pagpapakasakit ni Hesu Kristo.

--Ads--

Aniya, ang araw rin ng Biyernes ang kanilang fasting kung saan pinagbabawal kumain ng karne.

Pero pag minsan naman umano ay hindi na ito nasusunod sa kasalukuyan.