DAGUPAN CITY- May pagkakahalintulad ang pagdiriwang ng Semana Santa sa Pilipinas at ang Passover o Paskuwa sa Israel.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Luzvilla Dorato, Bombo International News Correspondent sa Israel, ipinagdiriwang din sa bansang Israel, lalo na ng mga Jews ang isa sa kanilang mga Holiday na passover.
Itinuturing din religious country ang nasabing bansa dahil sa pagpapahalaga ng kanilang nakaraan o history.
Abala din ang mga Pilipino sa paggunita ng Holy Week sa nasabing bansa at binibisita ang ilang mga sites na itinuturing na banal.
Aniya, gaya ng Pilipinas, ang Israel ay isang religious country na mataas ang pagpapahalaga sa kasaysayan at pananampalataya.
Dagdag pa niya, bagama’t magkaiba ang relihiyon at tradisyon, makikita sa dalawang bansa ang parehong layunin.