DAGUPAN CITY- Patuloy ang masayang selebrasyon ng Pistay Dayat 2025 sa Pangasinan, na nagsimula kamakailan kasabay ng Agew na Pangasinan.

Ayon kay Malu Elduayan, Head ng Pangasinan Provincial Tourism and Cultural Affairs Office, handog ng lalawigan ang sunud-sunod na mga kaganapan para sa lahat.

Isa na rito ang pagbubukas ng Pangasinan Tourism and Trade Expo sa harapan ng Kapitolyo na magtatagal hanggang Mayo na nagtatampok ng iba’t ibang mga pagkain, produkto at mga gawa ng bawat bayan at kooperatiba sa lalawigan.

--Ads--

Saad pa nito na magaganap halos ang mga aktibidad tuwing Biyernes at Sabado sa kabuuan ng buwan.

Handog rin sa kaganapan ang 2nd Pangasinan Film Festival na sinimulan noong April 10 at magtatagal sa April 12 sa Sison Auditorium na tampok ang mga indie film mula sa mga local at karatig probinsya.

Samantala, inaanyayahan ang lahat na dumalo at maging bahagi ng masayang selebrasyon sa ating lalawigan dahil marami pang nakahanda para sa mga bisitang dadalo sa Capitol Town.