DAGUPAN CITY- Patuloy ang pagbabantay ng Pangasinan PDRRMO sa maaring banta ng jellyfish sting sa mga baybayin o coastal areas sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vincent Chiu, Operations Supervisor, Pangasinan PDRRMO, patuloy pa rin ang kanilang pagbabantay para sa banta ng jellyfish sa mga coastal areas sa lalawigan ng Pangasinan.
Aniya, naka-full force na ang kanilang mga kasamahan at ilan pang mga makakatulong upang mas lalong mapaigting ang kanilang maaaaring maitulong ukol sa nasabing usapin.
Naka blue aert status na rin ang ilang mga lugar o areas na kailangang tutukan ng mga LGU’s.
Samanatala, kahit na wala pang ipinapatupad na curfew ay pinaalalahanan na rin ng mga opisyal sa mga locals na huwag nang lumangoy kapag mataas ang alon.
Maaari rin aniyang mamasyal sa mga tabing dapat ngunit dapat na maging mapagmasid sa kapaligiran ukol sa maaaring panganib.
Paalala naman ng opsisyal na agad na magtungo sa mga opisyal o coat guard kapag nabiktima ng jellyfish sting.