Mga kabombo! Isa ka rin ba sa mga mahilig sa hiking?

Iyung tipong mahilig sa hiking pero mabilis lang hingalin? Baka ito na ang sagot sa gusto mo.

Isang mountain resort kasi sa Jianxi, China ang naglaan ng milyun-milyong dolyar para magtayo ng mga escalator na magpapadali sa pag-akyat sa bundok.

--Ads--

Ang bundok na ito ay ang Lingshan Scenic Area sa Jianxi Province, na matatagpuan sa silangang bahagi ng China, na mayroong taas na 1,500-meters.

Ayon sa ulat, layunin nito na hindi na pagurin ang mga bisita at magsakripisyo ng oras at lakas upang marating ang summit.

Sinimulan naman ang proyekto noong 2022 at kasalukuyan pa ring ginagawa. Sa mga kamakailang video at lara­wan mula sa lugar, makikita ang isang mahahabang escalator na nakakabit mula pa sa paanan ng bundok hanggang sa tuktok nito.

Bagaman hindi ito ang unang kaso ng mga escalator­ sa mga bundok sa China, tinuturing itong isa sa pinaka­malalaking proyekto.

Isang halimbawa na nauna rito ay ang Tanyu Mountain sa Zhejiang Province na nagkaroon ng escalator noong 2023 na nagbigay-daan sa mga tao na maka­rating sa 350-meters na tuktok ng bundok.

May mga nagbigay-puri sa inisyatibang ito, lalo na ang mga may edad at mga may kapansanan, na nga­yon ay magkakaroon ng pagkakataong makita ang mga nakamamanghang tanawin ng bundok.

Subalit, may mga kritiko na nagsasabing, sa halip na magbigay saya, parang nawawala na ang saya ng hiking na dulot ng pagsusumikap sa pag-akyat.