DAGUPAN CITY- Dapat na bigyang galang ng mga makikilahok sa Alay Lakad ngayong taon ang pagiging masinop sa kapaligiran at pagiging responsable sa kalinisan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Aileen Lucero, National Coordinator ng Ecowaste Coalition, patuloy ang pagpaaalala ng kanilang opisina sa mga makikilahok sa Alay Lakad 2025 na maging reponsable sa kapaligiran.
Aniya, ang nasabing aktibidad ay hindi tulad ng isang barkadahang lakad kaya’t dapat na isipin ng bawat isa ang kanilang responsibilidad,pati na rin sa kalikasan.
Maliit man aniya itong hakbang ngunit malaki ang epekto nito lalo na sa mga makokoletang basura sa mga daan at ilang mga religious sites.
Napapansin ng din grupo sa kanilang taunang pagroronda ang pagiging puno ng mga basurahan at umaapaw na mga pinaggamitan tulad ng plastic.
Maaari rin aniyang gawing maging maayos at masinop ang nasabing aktibidad sa pamamagitan ng pagiging cautious sa mga dinadalang baon at pagpili ng mga biodegradable na mga dalahin tulad ng mga nilagang saging at iba pang mga crops na maaaring dalhin.
Dagdag niya, malaki ang kontribusyon ng mga tao sa pagpapanatili ng malinis ang magandang mundo para sa lahat.