Tinatayang nasa 10, 800 na bilang ang nakitakbo at nakiisa sa isinagawang fun run ng local na pamahalaan ng Dagupan ngayong araw na may temang ‘Handa na, Takbo na!’ Disaster awareness and safety Habits.
Kung saan nasa tatlong kategorya ang itinakbo ng mga nagparehistro, kabilang ang 10 kilometers na para sa 150 only lamang, 5kkilometers at 3kilometers na open naman para sa lahat sa de venecia extension highway, Lucao District Dagupan City.
Bukod sa libreng pagpaparehistro ay mayroon ding mga kasamang freebies gaya na lamang ng t-shirt, gift packs, gift checks at ipa pa na maaring makuha ng mga sumali sa naturang fun run. Makakakuha rin ng medal, cash prize na gift check ang mga naka 1st place hanggang 3rd place sa tatlong category ng kanilang tinnakbuhan.
Ang fun run ay bilang bahagi sa pagsisimula ng Bangus Festival ngayong buwan.
At ayon sa naging panayam kay Dagupan City Mayor Belen Fernandez na layunin ng aktibidad na ito na maging handa ang lungsod ng Dagupan sa anumang uri ng sakuna na posibleng maranasan sa mga hindi inaasahang pagkakataon gaya na lamang ng lindol.
Dahil anya bukod sa pagkaakroon ng magandang benipisyo ang pagtakbo ay kinuha na rin nila ang pagkakataon na ito na maibahagi sa publiko ang kahalagahan sa pagiging handa at may sapat na kalaman sa paghahanda sa pamamgitan ng temang handa na, takbo na.
Dagdag pa nito na sa ngayon ay nakahanda at nakaayos na rin ang command center sa lungsod kung saan naroon ang cctv cameras, earthquake intensity meter at iba pang mga kagamitan na makakatulong sa pagtukoy sa pangamba ng mga sakuna.
Sa ngayon ay nagsasagawa na rin sila ng monitoring sa mga barangay at sa mga lugar na posibleng makaranas ng matinding epekto at gayundin ang mga lugar na hindi gaanong maapektuhan.