Patuloy ang pakikipagcoordinate ng Office of the Civil Defense Region 1 sa mga telecommunications hinggil sa paggamit ng mga Emergency Cell Broadcast System (ECBS) para ibang mga layunin bukod sa emerhensiya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Adreanne Pagsolingan, Public Information Officer, nang nasabing opisina bagama’t ay wala pa naman sila natatanggap na mga ganitong insidente sa rehiyon ay patuloy naman ang kanilang pakikipag-koordina.
At aniya kapag may mga nareceive na text messages o emergency messages ay ipagbigay alam agad sa kanilang tanggapan.
Ang ECBS ay isa sa mga tool ng OCD upang magbigay ng mga impormasyon na dapat malaman gaya na lamang kapag may bagyo at lindol.
Ito ang tumutunog at nag-aupdate na broadcast system at hindi ito ginagamit for public use.
Samantala, sa nalalapit naman na semana santa ay patuloy din ang kanilang koordinasyon sa mga LGUs sakali mang may hindi inaasahang pangyayari.
Tinututukan din nila ang mga coastal areas at pinapayuhan ang lahat lalo na sa mga tutungo sa mga karagatan na mag-ingat palagi.