DAGUPAN CITY- Isang magandang tool para sa mga guro ang gumamit ng Artificial Intelligence o AI upang interactive at tuloy-tuloy ang learning progress ng mga mag-aaral sa ating panahon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Catherine C. Ruiz, STEM strand Coordinator and Learning Area Coordinator in Mathematics, NU Nazareth School, sa ating panahon ay malaki ang porsyento ng mga mag-aaral ang gumagamit ng Artificial Intellligence o AI upang makatulong sa kanilang pag-aaral.
Ginagamit din itong tool ng ilang mga guro at ilang pamamaraan sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa mga asignatura.
Aniya, pareho din ang apekto nito sa Matimatika dahil nagagamit itong tool ng mga guro upang gawing interactive at mabilis na matuto ang mga mag-aaral.
Sa ngayon ay nagbabago ang interest ng mga bata kung paano matuto kaya’t magandang makasabay ang mga guro upang maging tuloy-tuloy ang pagkatuto.
Dagdag niya, dapat ay mag-ingat sa paggamit nito upang matiyak na tama ang itinuturo sa mga mag-aaral.
Dapat ding aralin ang laman o context ng mga pinag-aaralan upang makasigurado.
Sa kabila nito ay mayroon pa ring advantages at disadvantages ang paggamit nito.