DAGUPAN CITY- Nagsisilbing paalala sa ating nakaraan bilang Pilipino ang paggunita ng Araw ng Kagitingan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Eufemio Agbayani III, Historic Sites Development Officer II ng National Historical Commission of the Philippines, ginugunita an Araw ng Kagitingan upang alalahanin ang kabayanihan ng ating mga bayani noong World War II.
Aniya, dahil sa dinanas ng ating bansa, at katatagan ng mga Pilipino at mga sundalong Amerikano upang magtungong Bataan ay maraming mga buhay ang naibuwis at patuloy na naipaglaban.
Sa ngayion ay naexpand na ito sa mga beterano, o mga retired na miyembro ng Armed Forces of the Philippines.
Dahil sa pagdiriwang na ito ay nabibigyabng pansin ng kagitingan at mga sakripisyo noong WW2 ay patuloy na pag-alala sa ating nakaraan.
May pananaliksik din ang natuklasan na hindi lang sa Bataan isinagawa ang death March kundi mayroon ding sa may bahagi ng Iligan papuntang Marawi.
Dagdag niya, sa panahon ngayon ay maaari nating ipakita ang ating kagitingan sa simpleng paggamit ng ating karapatan at hindi pag-tolerate sa mga maling gawain.