Dagupan City – Nakahanda na para sa semana santa ang ilang bus terminal sa Dagupan City.

Ayon kay Eraño Pedrozo, Bus Terminal Dispatcher ng isang Bus Company sa lungsod, iprinoproseso pa ang kanilang special permit na nasa mahigit 10 units at inaasahang baka sa susunod na linggo ay maibibigay na ito sa kanila kasabay ng pagsisimula ng mahal na araw at pagdami ng mga byahero.

Sa kabuuan, nasa 130 ang mga operational unit bus ngayon sa kanilang terminal at madadagdagan pa pagdating ng special permit.

--Ads--

Nasa 4 na ruta naman ngayon ang pinupuntahan ng kanilang bus gaya ng Avenida, Caloocan, Pasay at Cubao.

Saad pa nito na bilang paghahanda ng kompanya sa mga driver at konduktor ay maaga na silang binigyan ng rest day habang ang mga security personnel naman ay alerto 24/7 sa anumang insidenteng maaring mangyari na hindi inaasahan.

Nagpaalala naman ito sa publiko na iwasang magbyahe ng nakainom, huwag magdala ng mga kahinahinalang bagay, kung magdadala ng alagang hayop ay ang maliliit lamang na nakalagay sa kulugan o kaya naka-diaper.