More preventive lang ang ginagawa ng mga bangus grower dahil na rin sa kanilang karanasan sa tuwing sumasapit ang panahon ng tag init.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Paul Fabia, Bangus Farm Owner sa bayan ng Binmaley, dito sa lalawigan ng Pangasinan, normal na tumataas ang temperatura ng tubig kapag mainit ang panahon at dito naman bumababa ang oxygen level ng tubig.

Dahil dito ay nagbabawas sila ng stocking density halimbawa ang buhosnila per hectare mula sa 10,000 pieces ay ginagawa nila 5,000 o 3,000 hanggang 4,000 upang maiwasan ang fishkill.

--Ads--

Paliwanag nito na kapag overcrowding ang isda ay dumudumi ang ilog na sanhi ng panghihina ng mga bangus.

Kung kayat mas benifificial sa kanila kapag hightide dahil napapalitan ang tubig.

Tinukoy nito na environment factor ang nagpapalala sa situwasyon na nagiging sanhi ng fishkill .

Minsan nagiging bagsak presyo ang bangus kung magkakasabay sabay silang magharvest.

Dagdag pasakit pa ang pagpasok ng mga molmol na siyang kumakain ng feeds na para sana sa mga bangus.

Pagbabahagi pa nito na hindi na niya nakikitang negosyo ang pagbabangus bagkus ay parang kawanggawa na lamang ito dahil nagmahal na ang feeds at okay na sa kanila kahit 10 percent na tubo na maibabalik sa kanilang ginastos.

Dagdag pa niya na ang mga fishpen ay hindi nakokontrol dahil nagdedepende sa labas ng environment habang ang fishpond ay kontrolado nila dahil puwede nilang sarhan.

Napag alaman na 55 taon na sila sa industriya, kung saan minana pa nila ito sa kanyang mga magulang.