Dagupan City – Opisyal nang kinilala bilang Archdiocesan Shrine ang San Vicente Ferrer Parish sa bayan ng Bayambang.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Clarita Jimenez – Chairman Ministry On Shrine And Heritage – St. Vicente Ferrer, sinabi nito na isa ito sa mga matagal ng hinihintay at pinagdarasal ng mga deboto sa bayan. Ang maideklara na ang simbahan na Archdiocesan Shrine.
Aniya, nsa higit 400 taon na rin kasi ang tagal ng pagkakatatag sa simbahan at marami na ring mga kaganapan ang nangyari at isinagawa roon gaya na lamang ng Christ The King mula panoong 1920 hanggang sa kasalukuyan.
Inilarawan naman niya si St. Vincent Ferrer na isang santo na gumagawa ng mga milagro. Dagdag pa naman aniya sa dahilan kung bakit opisyal na nga itong kinilala ay ang pagdalo na rin ng mga pilgrims sa lugar, pagtayo ng museo, at iba pang aktibidad.
Kuwento nito, mahaba-habang proseso umano ang pinagdaanan ng simbahan at kinailangan ng ilan pang mga dokumento para makamit ito.
Isa naman sa mga responsibilidad na inaasahan ng mga ito ay ang pagdami ng mga deboto pang dadalo. Sa kasalukuyan mayroon naman na aniyang tatlong Parish sa bayan gaya na lamang ng Parish Wawa, Parish Sapang, at Parish sa Carungay.