Mga kabombo! Sinong mag-aakala na dahil sa hilig mong i-film ang iyung sarili ay makukuhanan mo pala ng video ang sarili mo sa life and death situation.

Isang Irish travel influencer kasi ang muntik nang masawi matapos ma-sting ng box jellyfish kung saan kilala ito bilang isa sa pinaka-nakamamatay na hayop sa mundo.

Kinilala itong si Julie, isang kilalang travel blogger sa isang social media platform.

--Ads--

Batay sa kaniyang salaysay, kasalukuyang nagfi-film umano ito ng content para sa isang brand collaboration habang naglalakad sa mababaw na tubig sa pagitan ng Coron at El Nido, Palawan, nang bigla siyang makaramdam ng matinding sakit sa kanyang hita.

Hanggang sa nakaramdam na ito ng sakit sa nasabing bahagi, inilarawan naman niya ang sakit na naranasan na parang sinilaban ng plantsa sa hita. Aniya, ramdam na ramdan nito ang lason habang kumakalat sa kaniyang tiyan, braso, at ulo. Aniya, akala nito’y inaatake siya sa puso.

Sa kabutihang palad, may sakay na Australian doctor at nurse ang bangkang sinasakyan niya. At dahil pamilyar ang mga ito sa box jellyfish stings, agad siyang nabigyan ng paunang lunas habang patungo sa ospital na tatlong oras pa ang layo mula sa pinangyarihan.

Ayon sa mga marine expert, tinatayang nasa 50 katao kada taon ang namamatay dahil sa box jellyfish sa mga bansang tulad ng Pilipinas. Sa Australia naman, isa lang kada tatlo hanggang apat na taon dahil sa mas advance na awareness at prevention programs.