DAGUPAN CITY- Nagsagawa ng inspeksyon ang Department of Agriculture-Bureau of Soils and Water Management o DA-BSWM sa mga kagamitan na natanggap ng Mangaldan Cluster-C Corn Growers.

Ang inspeksyon ay isinagawa sa Brgy. Palua, Mangaldan, Pangasinan, upang tiyakin ang wastong implementasyon ng “Establishment of Small-Scale Composting Facility” o SSCF na proyekto.

‎Pinangunahan ni BSWM Inspector Rogerick Asug ang team mula sa Compost Production Implementation Team o CPIT.

--Ads--

Kasama rin nila ang mga Agricultural Technologists mula sa Municipal Agriculture Office, sina Milo Cervantes at Jonathan Lagera, upang magsagawa ng demonstrasyon ng biomass shredder na kanilang natanggap noong nakaraang buwan.

‎Ayon kay Dr. Hulipas, layunin ng inspeksyon na tiyakin na magiging matagumpay ang proyekto at magsilbing gabay sa mga benepisyaryo.

‎Ang proyekto ay bahagi ng patuloy na pagsuporta ng DA-BSWM sa mga magsasaka upang mapabuti ang kanilang produksyon at pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya tulad ng biomass shredder.