DAGUPAN CITY – Pinasinayaan na ang Bolinao Evacuation Center, Bolinao Crisis Center for Women, at LGU Bolinao Multi-Purpose Building sa Brgy. Liwa-Liwa sa bayan ng Bolinao dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Dinaluhan ng mga opisyal ng munisipyo, mga lokal na lider, at mga miyembro ng komunidad na nagtipun-tipon upang saksihan ang Blessing at inagurasyun ng mga mahahalagang imprastruktura na naglalayong pahusayin ang paghahanda sa sakuna, magbigay ng kanlungan para sa mga mahihirap at mag-alok ng isang maraming gamit na espasyo para sa mga aktibidad ng komunidad.
Nanguna sa seremonya si Municipal Mayor Hon. Alfonso F. Celeste, M.D. kung saan ay binigyang-diin nito ang kahalagahan ng mga pasilidad sa pagtiyak ng kaligtasan at kapakanan ng mga residente.
Ayon naman kay District Engineer Marieta B. Mendoza, pinagtibay ang pangako ng opisina na suportahan ang mga proyektong pang-imprastruktura na nagsisilbi sa kapakanan ng nakararami.
Ang nasabing bagong pasilidad ay nagpapakita ng pagiging progresibo ang bayan at handa sa sakuna, na nagbibigay ng halimbawa sa ibang mga local na pamahalaan sa pagpapahalaga sa parehong katatagan at kapakanan ng lipunan.