DAGUPAN CITY- Naghatid ng tulong ang ilang mga bansa sa Asya para sa agarang pagrecover ng Myanmar mula sa nangyaring lindol kamakailan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ye Min Paing, sobrang naging devastating o naging malaki ang pinsang naidulot ng nangyaring lindol sa Myanmar.
Aniya, unti-unti namang nakakarecover ang kanilang bansa sa tulong na rin ng mga karatig bansa sa Asya tulad ng Indonesia, Taiwan, Singapore, India at iba pang mga grupo galing sa Asya para sa rescue search and operations.
Marami ring nagpapadala ang ilang mga tulong tulad ng medical assistance.
Sa ngayon ay mayroon pang 300 daang katao ang patuloy na nawawala at pinaghahanap.
Nagkaroon din ng telecommunication issues kaya’y hindi malinaw ang ilang mga impormasyon dahil sa hindi maihatid ang ilang mga balita.
Nag-issue rin ng travel restrictions ang kanilang opamahalaan upang masiguro ang reguridad.
Dagdag niya, ngayon lamang nagkaroon ng ganito kalaking sakuna sa kanilang bansa na nagdulot ng matinsing panic at pinsala sa kanilang mga mamamayan.
May ilang mga tao sa nsabning bsasa ang mayroon ding kaalaman sa rescue and response program dahil prone din ang ilang mga areas sa kanilang bansa sa ibat iang mga sakuna tulad kanila.