Mas lalong pinaiigting ngayon ng Department of Science and Technology – Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) ang kanilang kampanya kung ano ang mga dapat gawin kapag nagkaroon ng tsunami o paano malalaman ang mga warning na ipinapakita nito.
Ayon kay Jeff S. Perez- Supervising Science Research Specialist (DOST-PHIVOLCS), na mayroon silang binuo na grupo upang magsagawa ng kampanya sa pamamagitan ng information drive sa bawat local government unit sa rehiyon upang matulungan ang mga ito na magakroon ng tama at sapat na paghahanda at pagpapalano sa tsunami, hindi lamang sa pagyanig ngunit maging ang posibilidad ng pagkakaroon nito. Lalo na at ang rehiyon uno ay napapalibutan ng dagat at nakaharap ito sa west phillipine sea na malaking ang pangamba sa pagkakaroon ng tsunami.
Dagdag pa anya na magkakaroon din sila ng plano na paglalagay ng mga tsunami warning devices sa mapipiling munisipyo sa rehiyon upang mas madali na malalaman ang banta ng tsunami.
Sa pangkalahatan, ang kaalaman sa tsunami ay napakahalaga para sa pag-iwas at paghahanda sa mga sakuna na dulot ng tsunami, at para sa pagpapalakas ng mga komunidad at pagtulong sa pag-unlad.
Bukod dito ay mayroon ding programa at proyekto ang DOST Region 1 pagdating sa climate change sa pamamagitan ng kanilang mga gawang devices at ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga Local Government Unit kasama ang mga parner agencies na maaring gawin pagdating sa climate change.