DAGUPAN CITY – Amoy patay na katawan ang nalalanghap na hangin ng ilang mga residente sa Mandalay na kilala noon bilang “city of gold,” na pinapalamutian ng kumikislap na mga pagoda at mga puntod ng mga Buddhist.

Ayon sa isang residente, napakaraming mga bangkay na ang naipon mula nang yumanig ang isang lindol sa Myanmar na may magnitude na 7.7 noong nakaraang Biyernes, kaya’t kinailangan silang sunugin.

Sa kasalukuyan ay lumampas na sa 2,700 ang bilang ng nasawi at nasa 4,521 ang sugatan.

--Ads--

Daan-daang nawawala pa kung kaya ay inaasahang tataas pa ang mga bilang na ito.

Ibinahagi ng mga residente na may mga gabing wala silang tulog habang naglalakad sa mga kalye na puno ng pangungulila at alalahanin sa pagkaubos ng suplay ng pagkain at tubig.

Inaasahan pang tataas ang bilang ng mga nasawi habang ang mga rescuer ay sinisikap na mapasok ang maraming gumuhong mga gusali.