Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Lingayen PNP at Lingayen Airport Police Station matapos bumagsak ang isang cessna plane kaninang umaga sa barangay Libsong East sa bayan ng Lingayen dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Una rito unang naipaulat na nasawi ang 31 taong gulang na piloto kasama ang 25 taong gulang na student pilot nito nang bumagsak ang kanilang sinasakyan na 2-seater cessna plane.
Ayon sa panayam kay PltCol Amore Somine ang siyang Chief of Police ng Lingayen Municipal Police Station na base sa kanilang imbestigasyon na bandang alas otso bente ng umaga kahapon ng mangyari ang insidente kung saan alas sais ng umaga ng humingi ng permiso ang dalawa na magpapalipad ng cessna plane at bandang alas syete trenta ng umaga ng magtake off ito kung saan naka sampung beses na rin na nagtouch down ito at sa muling paglipad na ito ay doon na nangyari ang pagbasak ng cessna plane sa may bakanteng lote dito sa bahagi ng lingayen airport.
Batay sa paunang imbestigasyon, nagkaroon daw ng engine failure ang aircraft
Ang nasabing aircraft ay pagmamay-ari ng Pilipinas Space and Aviation Academy at may numerong RP- C 8595 at malaki naman ang naging pinsala ng naturang na aircaft sa bandang harapan nito.
Sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Lingayen PNP at Lingayen Airport Police Station sa nangyaring insidente at ano ang sanhi ng pagbagsak nito.
Sinubukan pa na dalhin ang mga biktima sa hospital ngunit idineklara na rin itong dead on arrival, wala rin namang nasaktan o nadamay sa insidente.