Dagupan City – Nagsalpukan ang dalawang sasakyan sa kahabaan ng provincial road sa Brgy. Bolosan, sa syudad ng San Carlos na agad nirespondehan ng mga kapulisan.

Batay sa paunang imbestigasyon, ang isang sidecar ay minamaneho ni Jun Joven Peralta, 24 taong gulang na residente ng Brgy. Bacnar sa nasabing syudad.

Ang isa pang sasakyan na kasangkot ay isang motorsiklo na minamaneho ni Jave Carlo Mislang, 19 taong gulang, mula rin sa Brgy. Bacnar.

--Ads--

Ayon sa karagdagang imbestigasyon, habang tinatahak ng sidecar ang kalsada, pumasok sa linya ang motorsiklo at nagkaroon ng salpukan.

Dahil dito, ang driver at sakay ng sidecar ay nahulog sa kalsada at nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Agad silang isinugod ng City Disaster Risk Reduction and Mangaement Officers (CDRRMO) sa VMU Hospital sa Brgy. San Pedro Taloy, sa syudad San Carlos.

Samantalang ang driver ng motorsiklo at ang kanyang sakay ay nagkaroon din ng mga sugat at dinala sa Pangasinan Provincial Hospital para sa karagdagang paggamot.

Nakasaad din sa resulta ng alcohol breath test na positibo ang driver sa nasabing pagsusuri, habang negatibo naman ang driver ng sidecar.

Ang mga sasakyan na nasangkot sa insidente ay nagkaroon ng pinsala at pansamantalang nasa ilalim ng pangangalaga ng mga opisyal ng barangay ng Brgy. Bolosan para sa tamang disposisyon.