Dagupan City – Sinuyod ngayong araw ng Comelec Dagupan City ang nasa 3 major roads sa lungsod upang isagawa ang Grand o Nationwide Operation Baklas 2025.
Direktiba ito mula sa National kasunod ng paguumpisa ng campaign period ngayong araw para sa mga tumatakbo para sa local position.
Ayon kay Atty. Michael Franks Sarmiento – Election Supervisor ng nasabing opisina na katuwang nila dito ang Comelec Provincial Office, Pnp Dagupan, CDRRMO, Taskforce Anti-littering at Waste Management Division.
Ang mga rutang pinuntahan dito ay kinabibilangan ng Lucao to Tapuac Road, Bonuan Gueset to Arellano St at Bolosan to AB Fernandez Av.
Bago aniya isagawa ngayong araw ang aktibidad ay nabigyan na ng notice ang bawat kandidato sa lungsod upang paalalahanan sa kanilang mga posters o campaign materials.
Inalis ang mga campaign materials na lumampas sa itinakdang sukat o nakapaskil sa mga pampublikong lugar gaya ng poste ng kuryente, puno, overpass, waiting shed at iba pa habang ang mga nakapaskil naman sa pribadong pag-aark na hindi sumusunod sa mga alituntunin ay bibigyan lamang ng notice.
Saad nito na may mga nakadesignate na silang common poster area na karamihan ay matatagpuan sa harap ng Barangay hall o mga gymnasium.
Inaasahan aniyang marami ang matatanggal batay sa kanilang mga napansin dahil ang ilan ay hindi nakasunod sa alituntunin.
Samantala, mananatili aniya sa kanilang pangangalaga ang mga natanggal na campaign posters para sa inventory at isasubmit sa Law Department ng Comelec ang bilang ng posters at kung kanino ito upang sila na ang magdesisyon para sa nararapat na aksyon.