Maaaring umabot sa P60 ang palitan ng piso kontra dolyar ngayong taon dahil sa lumalalang kawalan ng katiyakan dulot ng mga proteksyunistang polisiya ni US President Donald J. Trump.

Ayon sa Global Markets Research, inaasahan nilang magiging P60.90 kada dolyar ang halaga ng piso pagsapit ng ikatlong quarter ng taon.
Pagtatapos ng 2025, posibleng magtapos ito sa P60.40 kada dolyar.

Kabilang ang mga “on-and-off” na taripa laban sa mga pangunahing kasosyo sa kalakalan tulad ng China, Canada, at Mexico, ay nagpapa-igting sa pag-aalala sa mga merkado.

--Ads--

Inaasahang mag-aanunsyo siya ng mga detalye ng isang reciprocal tariff plan sa Abril 2, ngunit sinabi niyang maaaring magbigay siya ng mga “break” sa mga bansa tungkol sa taripa.

Ayon kay BPI strategist Marco Javier, maaaring magtapos ang unang quarter ng taon ang peso sa P58.40, depende sa magiging epekto ng mga desisyon ni Trump sa taripa.