Dagupan City – Imposibleng mangyari umano ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na posibleng matulad kay dating senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr. ang kaniyang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte kapag umuwi ito sa Pilipinas.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Joseph Emmanuel Cera – Constitutional Lawyer, sinabi nito na malabong mangyari ang naging pahayag ng bise na maihahalintulad sa nangyari kay dating senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr. noong dekada 1980 kung saan ay pinalaganap bilang isang political assassination, dahil wala namang napapabalita at matibay na ebidensya ng anumang banta sa buhay ni Duterte.
Dito na ipinaliwanag ni Cera na natuto na ang mga tao mula sa kasaysayan, at sa kabila ng mga isyu at batikos laban sa Marcos administration noong panaho’y, mas lumakas naman ang suporta sa pamilyang Aquino matapos ang asasinasyon, na naging sanhi ng isang makasaysayang pagbabago sa bansa.
Ayon kay Cera, mahirap isipin na maihahalintulad ang nangyari kay Ninoy Aquino lalo na’t wala namang ebidensya o kredibilidad na pananakot sa buhay ngd ating pangulo kaya’t intel na gagawin nila iyun.
Sa kabilang banda, mahihirapan naman aniya ang bise sa paggampan ng kaniyang responsibilidad sa bansa lalo na’t may posibilidad na makulong pa ito sa kaniyang mga hinaharap na kaso partikular na ang panibagong mga kwestyunableng pangalan na nakatanggap ng Confidential Funds mula sa Office of the Vice President na nadiskubre sa kamara.
Samantala, sa kabila naman ng patuloy na pagbatikos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nananatili namang solid ang suporta mula sa mga Ilokano kay Senadora Imee Marcos.