Mas convenient din ba para saiyo ang online food delivery? Pano nalang kung umorder ka pero aabutin pa ng siyam-siyam bago dumating ang inyong order?

Isang lalaki sa Australia ang na-trip-an bumili ng pagkain gamit ang isang food delivery app ngunit aksidente itong nakapag-order sa Dublin, Ireland kung saan 9,600 miles ang layo nito.

Hindi napigilang ma-disappoint ni Oisin Lenehan, 29 anyos, nang mapagtanto ang nagawang kalituhan.

--Ads--

Pagsasalaysay ni Lenehan, isang gabi nang nagkakasiyahan sila ng kaniyang mga kaibigan nang makaramdam sila ng gutom at naisipan umorder online.

May halagang $65 ang kanilang order at kabilang sa mga pagkain ay BBQ chicken pizza, garlic bread, at chichirya. Inakala umano ni Lenehan na ang order niya ay sa malapit lamang na bilihan.

Hanggang sa tinignan niya mula ito at nakitang naka-address ito sa Emerald Isle, sa Dublin, Ireland.

Ang address na ito ay ang kaniyang pinuntahan hotel na kaniyang pinanatilihan bago magpasko nitong nakaraang taon lamang.

Agad naman niya itong kinansela at tinawagan representative ng delivery app.

Gayunpaman, tinawanan na lamang nila ito at nakakuha ng full refund.

Matapos nito, muli na lamang sila nagdesisyon kung saan sila uli o-order ng kanilang makakain.