DAGUPAN CITY- Binuksan na ang bagong Lingayen Municipal Hall Atrium sa pamamagitan ng isang Blessing at Ribbon-Cutting Ceremony.

Ang seremonya ay pinangunahan ng alcalde ng bayan na si Mayor Leopoldo N. Bataoil.

Kasama ang Sangguniang Bayan na pinamumunuan ni Vice Mayor Mac Dexter G. Malicdem katuwang ang mga kawani at iba’t ibang departamento ng pamahalang local ng bayan at ilang mga bisita upang saksihan ang pagbubukas ng bagong atrium, na inaasahang mas makapagpapabuti sa kalidad ng serbisyo para sa residente ng bayan.

--Ads--

Ang bagong Lingayen Municipal Hall Atrium ay mayroong bagong elevator na dinisenyo para sa mga nakatatanda, persons with disabilities (PWDs), at mga buntis, upang magkaroon sila ng mas madaling access sa mga opisina sa iba’t ibang palapag ng munisipyo.

Bukod dito ay makakatulong din ito sa mga empleyado para sa pang-araw araw na kanilang gawain upang mapagaan ang pagproseso at ang pagtulong sa kanilang nasasakupan dahil naging posible rin ito mula sa buwis ng mga ito.

Inihayag ng alcalde ng bayan na ang matagumpay na imprastraktura ay isa sa kanyang hangarin sa ilalim ng kanyang administrasyon.