Umabot na sa mahigit 5 indibidwal ang naging biktima ng Jelly fish sting sa nakalipas na mga araw sa Tondaligan Beach dito sa Dagupan City.
Madalas lumilitaw ang jellyfish o dikya sa ibabaw ng dagat kapag tag-init lalo na ngayong panahong na nakakaranas ang lungsod ng matataas na temperatura kaya hindi maiwasan sa mga turistang naliligo sa lugar na maging biktima nito.
Ayon kay Ella Oribello ang Team Leader ng Lifeguard sa Tondaligan Beach na nakahanda sila sa mga ganitong insidente lalo’t inaasahang mas dadami pa ang mga beachgoers o turista na pupunta sa pasyalan ngayong nalalapit na bakasyon.
Posible pang tumaas ang bilang ng mga kaso dahil sa kalmadong dagat na maaaring magdulot ng pagdami ng dikya.
Mayroon nang naitalang biktima ang may malalang kaso dahil sa matinding allergic reaction, ngunit agad na naisugod sa pagamutan kaya nabigyan ng lunas.
Pinaalalahanan ni Oribello ang publiko na lagyan ng suka ang apektadong bahagi ng balat upang maiwasan ang malubhang iritasyon.
Ipinagbabawal naman ang paglalagay ng ihi dahil hindi ito epektibo.
Malaking tulong din ang pagbubukas ng One Bonuan Satellite City Health Office para sa agarang pagtugon sa mga ganitong emerhensiya.