Hindi akmang ihalintulad ang nangyaring asasinasyon kay Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr. sa kasalukyang sitwasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sakali mang makauwi ito pabalik ng Pilipinas taliwas sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na kapag napauwi ang kaniyang ama ng bansa ay mapapaslang siya katulad ng nangyari kay Ninoy.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan Atty. Michael Henry Yusingco – Political Analyst hindi kapani-paniwala ang ganitong obserbasyon lalo na at si Aquino ay may ebidensiya noon na mayroon talagang gustong pumatay sakaniya kapag umuwi siya ng bansa kaiba sa sitwasyon ni Duterte.

Aniya na tila stratehiya lamang ito ng kampo ng mga Duterte upang sila ay mapag-usapan at hindi makalimutan ng kanilang mga kababayan dito sa Pilipinas.

--Ads--

Kung saan nais nilang mamentina na laging nasa front and center ng public attention gayundin upang hindi mawala sa mga pinag-uusapan.

Kaya’t pagbabahagi ni Atty. Yusingco na kailangang matanggap na ang International Criminal Court (ICC) ay isang court of law at kasalukuyan nang tumatakbo ang judicial process.

Kalakip nito ay maraming mga salik na kailangang ikonsidera at nakadepende sa mga ito kung mapapauwi ba o hindi ang dating Pangulo.

Gayunpaman, ang mga bring him home campaign ay walang epekto sa magiging desisyon ng korte hinggil sa kanyang kaso.