Target ng Department of Tourism Region I na mahigitan ang bilang ng mga turistang nagtungo sa rehiyon noong nakaraang taon kung saan nasa kabuuang 2 milyon tourist ang bumisita.

Ayon kay Evangeline Marie M. Dadat – Regional Director, Department of Tourism Region I maraming mga pilgrimage tour packages ang inooffer sa nalalapit na holyweek at ngayon pa lamang ay marami ng naitatalang mga bookings.

Aniya na maraming naipon ang mga turista noong nakaraang pandemya kaya’t inaasahan nito na maaabot ang more than 2 million tourist ngayong taon.

--Ads--

Dahil dito ay palagian nilang pinapaalalahanan ang mga Local Government Units (LGUs) na ihanda ang mga MDRRMO para kapag may aksidente o hindi kaaya-ayang pangyayari ay handa silang umaksyon.

Isa sa prayoridad nila na maiwasan ang anumang aberya upang maiwasan ang anumang aksidente.

Mayroon din help desk ang bawat munisipyo upang kapag may nangailangan ng tulong ay mayroon silang malalapitan at mapupuntahan.

Ibinahagi din nito na may mga specific lamang na pamasahe na ibinibigay ang bawat lgu at natutuwa ito na nagiging aware na ang mga turista kung magkano talaga ang ibinabayad.

Patuloy naman na gumagawa ng paraan ang kanilang opisina upang mas mapaganda ang serbisyo ng mga stakeholders.