DAGUPAN CITY- Matapos ang halos apat na buwang pananahimik tungkol sa legal accussation an kinahaharap, nagbigay ng pahayag ang actress-businesswoman na si Neri Naig Miranda upang harapin ito.
Matatandaang noong November 2024 nang arestohin si Neri sa basement ng isang convention center dahil sa 14 na kaso ng paglabag sa Securities Regulation Code at syndicated estafa na isinampa laban sa kanya.
Sa kanyang social media post nitong nakaraan, ibinahagi ni Neri ang kanyang mga saloobin tungkol sa pinagdaanang pagsubok at nagpasalamat sa mga taong nanatili sa kanyang tabi.
--Ads--
Ayon kay Neri, hindi niya kayang ipaliwanag kung paano siya napasama sa Most Wanted List ng Pilipinas.
Nagpapasalamat din siya sa mga taong nakasuporta sa kaniya.