DAGUPAN CITY- Patuloy na bumagsak ang bilang ng mga aprubadong building permit noong Enero, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa paunang datos ng PSA, umabot lamang sa 12,526 ang mga proyekto na nasakop ng permits, isang pagbaba ng 14.6% mula sa 14,665 noong nakaraang taon.

Ito na ang ikalawang sunod na buwan ng pagbaba sa bilang ng mga proyekto.

--Ads--

Ang nasabing pagbaba ay mas mataas kumpara sa 5% noong Disyembre 2024.

Ito na ang pinakamalaki simula nang magsimulang mag-track ng datos ang PSA noong Enero 2024.

Gayunpaman, tumaas ng 29.5% ang kabuuang floor area ng mga proyekto na umaabot sa 3.72 milyong metro kuwadrado, at umabot sa P48.58 bilyon ang kabuuang halaga ng mga proyekto, na tumaas ng 26.1% mula sa P38.52 bilyon noong nakaraang taon.