DAGUPAN CITY- Mga Kabombo! ano ang kaya mong gawin para sa salapi?

Kaya mo bang kumuha ng isang mahalagang bagay o isang tila natatanging essential tool para ipagpalit ito?

Dalawang lalaki sa United Kingdom ang nahatulan kaugnay ng pagnanakaw ng isang solid gold toilet mula sa Blenheim Palace, isang makasaysayang gusali sa Oxford, United Kingdom.

--Ads--

Gawa ang nasabing palikuran sa 18-carat gold at tinawag na “America,” ay bahagi ng isang art exhibit ng Italian artist na si Maurizio Cattelan noong 2019.

Ayon sa korte, ang krimen ay naganap noong madaling araw at tumagal lamang ng limang minuto.

Naiwan ang mga martilyo sa lugar ng insidente na naging dahilan upan mas tumibay ang ebidensiya.

Ang nasabing palikuran ay tinatayang nagkakahalaga ng £2.8 milyon (dalawang milyong pound), ay pinaghati-hati at hindi na natagpuan.

Kinalaunan, nahatulan ang mga suspek ng burglary at conspiracy to transfer criminal property.

Isa pang kasabwat ang umamin na sa kanyang mga kaso.

Samantala, napawalang-salang sala ang isa.

Ang krimen ay nananatiling isang kontrobersyal na usapin, hindi lamang dahil sa halaga ng ninakaw, kundi dahil sa kawalan ng bakas kung saan napunta ang hinating ginto.