“Ang freedom of expression ay hindi dapat inaabuso.”

Yan ang binigyang diin ni Danilo Arao — Associate Professor of Journalism, UP Diliman kaugnay sa naging pagdinig ng tri-committee ng Kamara hinggil sa paglaganap ng fake news at disinformation sa bansa.

Aniya na magandang maexpose ang mga ganitong content creator at influencer dahil malinaw na pekeng balita lamang ang kanilang sinasabi at sa paraang ito ay magsilbing aral na maging maingat sa binabanggit sa publiko.

--Ads--

Kaugnay nito hindi naman siya sumasang-ayon na magkaroon ng media content regulation o anti-fake news law marahil ay hindi dapat gumawa ang gobyerno ng paraan upang i-regulate ang media content.

Bagkus ay makipag-ugnayan na lamang ang mga ito sa mga social media platforms para sa responsableng social media gatekeeping.

Gaya na lamang ng pagkakaroon ng thirdparty fact-checking.

Lalo na nagyong panahon ng social media dapat ay maging limitado lamang ang kanilang audience at ang may kredibilidad lamang ang ipinapasok.

At ang pagiging responsable sa mga content at ipinopost online ay dapat ginagawa din ng mga vloggers at influencers.

Naniniwala naman ito na dapat mayroong media literacy ang bawat isa upang magkaroon ng sapat na kaalaman at kakayahan ang publiko lalo na at maraming konsepto ang hindi pa nila alam

Panawagan naman nito sa lahat na maging responsableng social media user ang lahat at maging maingat sa pagbabahagi ng mga impormasyon online.