DAGUPAN CITY- Dahil sa mga tumitinding tensiyon at ilang mga pangyayari, balak na muling magsagawa ng planong pagpunta sa The Hague, Netherlands upang muling ipakita ang suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Amik Garceniego, Vice Chairman ng United Filipinos Global-UK, kung ano an ang magiging proseso o pamamaraan ng pagdala sa dating Pangulong Rodrido Duterte ay hindi na dapat pagtalunan dahil naroon na ang dating Pangulo sa pangangalaga ng International Criminal Court o ICC.
Aniya, sa ngayon ay kailangan nang paghandaan ng dating Pangulo na depensahan ang kaniyang sarili laban sa mga alegasyong maibabato sa kaniya.
Nakikitaan din niya umano ng lapses ang ilang mga bagay na isanagawa.
Panawagan naman niya sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) at ilan pang mga taga-suporta ng dating Pangulo na unahin ang panalangin para sa kapakanan at kabutihan ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.