DAGUPAN CITY- Pinag-iingat ng PNP San Fabian ang kanilang mga personnel ngayong Panahong nararanasan ang mataas na heat index.
Ayon kay PLTCOL Danilo Perez, COP San Fabian PNP, inatasan na ang lahat ng PNP San Fabian ang kanilang mga tauhan na magsagawa ng mga hakbang upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.
Nagbigay ng mga mahahalagang paalala ang PNP San Fabian para sa kanilang personnel upang maiwasan ang heatstroke at iba pang mga kondisyon na dulot ng matinding init.
Kabilang dito ang regular na pag-inom ng tubig, at pagpapahinga tuwing kinakailangan.
Ayon sa mga health expert, ang mataas na heat index ay isang indikasyon na ang katawan ay mabilis magdehydrate, kaya’t kailangan ng dagdag na pag-iingat.
Sa mga ganitong kondisyon, mahalaga ang pagpapahinga at pag-iwas sa matinding pisikal na aktibidad sa ilalim ng araw.
Ang mga alituntunin ng PNP San Fabian ay nagsisilbing gabay upang maiwasan ang mga posibleng aksidente at mapanatili ang kalusugan ng kanilang mga tauhan.
Patuloy naman ang kanilang opisina sa pagsasagawa ng mga monitoring at koordinasyon upang masigurado na ang mga hakbang na ito ay sinusunod ng kanilang personnel.