Nasawi ang isang 45-taong gulang na lalaki matapos ito pagbabarilin habang naglalakad sa harapan ng public market sa bayan ng Anda dahil umano sa dating alitan at kalasingan.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon at sa naging panayam kay Pmaj. Romulo B. Oclarino Jr. ang siya namang officer in charge ng Anda Municipal Police Station na dakong alas onse ng gabi nang matanggap ng kanilang tanggapan ang ulat na kung saan kinilala ang biktima na alyas “Puor” 45-taong gulang at residente Sitio Sanicolas, Brgy. Población sa naturang bayan.
Habang ang suspek naman ay si alyas “Dong”, 46- taong gulang, vendor native of Brgy. Umanday sa bayan ng Bugallon at kasalukuyang nakatira ngayon sa Sitio Labrang, sa bayan ng Anda.
Aniya na nakita pa nila ang biktima at suspek sa isang cctv footage na magkasamang nag-iinuman dakong alas dyes ng gabi at maya maya nang maglakad ang biktima ay sinundan ito ng suspek at doon na lamang pinagbabaril ng ilang beses ang biktima na nagresulta sa pagkakaroon ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Agad naman na dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima ngunit kalaunan ay binawian din ito ng buhay.
Sinubukan pang tumakas ng suspek ngunit agad ding nagsagawa ng manhunt operation ang mga otoridad at kasalukuyan ng nasa kustudiya ng Anda Municipal Police Station na nahaharap sa mga kaukulan kaso.
Nagpaalala naman ito sa kaniyang mga kababayan na kapag may nakaaway o nakaalitan ay huwag dadaanin sa init ng ulo upang hindi humantong sa ganitong krimen.