Anong gagawin mo kung ang makita mong kahina-hinalang iniwan sa isang lugar ay hindi mga pasabog, kundi isang friendly na buwaya?
Ipinatawag ng isang motel manager sa Michigan ang kapulisan dahil sa nasabing hayop na iniwan sa kanilang lugar.
Ayon sa Cheboygan Police Department, nauna itong nakita ng isang housekeeping staff ng Pine Rivers Motel sa isang nabakanteng kwarto.
Kwento ng manager, pamangkin na lalaki niya ang staff na nakakita nito kung saan natagpuan niya sa ilalim ng kama.
Gayunpaman, hindi aniya ito natakot dahil isa umano itong “friendly” na buwaya.
Pinangalanan nila itong Wally at may haba itong 3-talampakan. Pagmamay-ari ito ng isang lalaki na nag-aalaga ng mga exotic na hayop at dinadala niya ito sa paaralan upang gamitin sa mga demonstrasyon.
Kanila na rin itong pinaalam sa nasabing may-ari at aniya, alam niyang nawawala si Wally subalit hindi niya alam na sa motel niya ito naiwan.
Inakala niya lamang na nakawala ito sa kaniyang pamamahay, nang subukan hanapin ay nabigo ito.