Patuloy ang pagsuporta at pagtaguyod ng Disaster Risk Reduction and Management Office (DRIMO) sa pagpapalaganap ng kaalaman at paghahanda sa mga kabataan upang maging mas handa at alerto sa mga sakuna, partikular na sa lindol.

Sa layuning ito, naging katuwang ng Pangasinan Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang DRIMO sa isang makabuluhang aktibidad na naglalayong magbigay ng mga pangunahing hakbang sa paghahanda sa lindol.

Sa pangunguna ng PSWDO, nagsagawa ng isang aktibidad sa CCDC Bulilits ng PSWDO Lingayen, kung saan itinuro ang mga mahahalagang impormasyon ukol sa kaligtasan at mga tamang hakbang na dapat sundin kapag tumama ang lindol. Ang edukasyonal na aktibidad ay hindi lamang nagbigay ng mahalagang kaalaman kundi pati na rin nagpalakas sa kahandaan ng mga kabataan, upang maging aktibong bahagi sila ng komunidad sa oras ng sakuna.

--Ads--

Ang aktibidad ay bahagi ng mas malawak na layunin ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na magbigay ng komprehensibong edukasyon at impormasyon tungkol sa disaster preparedness sa bawat sector ng komunidad, partikular na sa mga kabataan.